God's Love
Nahihiya ka bang lumapit sa Panginoon dahil sa marumi mong nakaraan? Walang kasalanan ang hindi kayang patawarin ng Diyos. Handa Siyang tanggapin at mahalin ka. Lumapit ka lamang sa Kaniya at tutulungan ka ng Diyos na makabangon muli.
Dumaranas ka man ng matinding kakulangan sa buhay, huwag kang mawalan ng pag-asa. Mayroon tayong Diyos na handa kang tulungan na makaahon sa kahirapan. Manampalataya ka lang sa Kaniya. Hindi ka pababayaan ng Diyos.
Higit na makapangyarihan ang Diyos kaysa sa ano mang masamang espiritu. Kaya't kung nais mong makalaya mula sa tanikala na bumibihag sa 'yo, tawagin mo lang ang pangalan ng Panginoong Hesus. Ialay mo ang iyong buhay sa Kaniya at Siya ang iyong gawing gabay. May kalayaan sa Panginoon!
Paano nga ba makakabangon mula sa karanasan na halos sumira ng iyong buhay? Know that our God is the God of restoration. Gaano man kagulo ang iyong nakaraan, kaya Niya itong ayusin. Maging ang galit sa iyong puso ay puwede Niyang alisin. Lumapit ka lang sa Kaniya and believe that He can turn your brokenness into beauty.
Pakiramdam mo ba ay bibigay ka na dahil sa sunod-sunod na problemang iyong kinakaharap? Nakikita ng Diyos ang iyong sitwasyon. Hindi mo kailangang matakot o mangamba dahil kasama mo Siya. ‘Wag kang susuko, tapat ang ating Diyos.
Patuloy ka mang hinihila pababa ng mga pagsubok sa buhay, lagi mong tandaan na may Diyos na handang umalalay sa ‘yo. Kaya ka Niyang tulungan kahit na nasa gitna ka ng magulong sitwasyon. Maaasahan mo ang Panginoon!





















































































































