Faith
May pag-asa pa nga bang maranasan ang totoong kasiyahan sa gitna ng magulong sitwasyon? Nakikita ng Diyos ang pinagdaraanan mo. Hayaan mong ipakita Niya sa iyo kung paano mo ito malalampasan nang kasama Siya. Patuloy kang magtiwala at manampalataya sa kung ano ang kaya Niyang gawin sa buhay mo. Dahil sa Kaniya, mararanasan mo ang tunay na kasiyahan na hindi kailanman mananakaw ninuman.
Paano nga ba magiging merry ang iyong Christmas? Discover the answer as you watch this episode of The 700 Club Asia, Tuesday, December 5, 9 PM on our YouTube channel and midnight on GMA.
Marumi na ba ang tingin mo sa iyong sarili dahil sa mga nagawa mong kasalanan? Para bang wala nang kuwenta ang iyong buhay dahil sa masalimuot mong nakaraan? Ganyan man ang tingin mo sa iyong sarili, alam mo ba na may Diyos na tanggap ka pa rin sa kabila ng iyong mga ginawa? Kaya ka Niyang iahon mula sa kasalanan na pilit kang hinihila pababa. And yes, God will still accept you despite your past.
"At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus" (Mga Taga-Filipos 4:19, RTPV). This is not a promise of wealth, or an easy life. Pero dahil alam ng Diyos kung ano ang iyong kailangan, ito ay Kaniyang ibibigay ayon sa Kaniyang kalooban. Pinagpapala ng Diyos ang mga taong sumusunod sa Kaniya at hindi sila magkukulang.
Mukhang hopeless na ba ang situation mo ngayon? Do you feel anxious because of the problems you're facing? Here's a reminder that our Lord is fully aware of what you are going through. Allow Him to give you hope as you trust Him to move in your situation and do miracles in your life.
Parang nalulunod ka na ba sa dami ng iyong problema? Kapit lang! Mahal na mahal ka ng Panginoon. Hindi ka Niya pababayaan. Siya ang magliligtas at gagabay sa iyo.
Posible pa bang mapatawad ang mga taong nanakit sa 'yo? Paano mo ipapakita ang pagmamahal sa kanila sa kabila ng sakit na ipinaramdam nila? Be inspired as you watch these stories of restoration on this episode of The 700 Club Asia.













































































































