Ano man ang sitwasyon na pinagdaraanan mo ngayon, hindi mo kailangang matakot. Kasama mo ang Diyos sa laban ng buhay. Nakikita Niya ang kinalalagyan mo at alam ng Panginoon kung paano ka tutulungan. Ipagkatiwala mo lahat sa Kaniya. Hindi ka bibiguin ng Diyos.

Ngayong paparating na ang Pasko, isa ka ba sa mga nakakaramdam ng tinatawag na "Christmas Blues"? We are here to help you and pray for you. Watch tonight's episode of #PUSHPilipinas and know how you can overcome Christmas Blues through prayer, hosted by Erick Totañes and Camilla Kim-Galvez.

Pilit ka bang hinihila ng iyong madilim na nakaraan? Huwag kang bumitaw sa Panginoon. Mas malakas ang kaniyang kapangyarihan kaysa sa anumang gawa ng kaaway. Tutulungan ka ng Diyos na mapagtagumpayan ang problemang iyong kinakaharap. Maniwala ka lang sa Kaniya!
Kapayapaan ba ang hanap mo? Sa dami ng kaganapan ngayon sa mundo, saan nga ba tayo makakasumpong ng tunay na kapayapaan? Posible nga ba tayong magkaroon ng peace sa gitna ng mga trial sa buhay? Ma-inspire kung paano pinagkakalooban ng Diyos ng kapayapaan ang mga lubos na nagtitiwala sa Kanya.

Showing all 4 results