The 700 Club Asia
Isa ka ba sa mga nagnanais ng magandang simula ngayong bagong taon? Kapatid, kay Hesus, maaari mong maranasan ang maayos na buhay. Isama mo ang Panginoon sa iyong mga plano at hayaan Siyang gabayan ka patungo sa tamang landas. Kayang iparanas sa ‘yo ng Diyos ang magandang buhay.
Tunay ngang mabuti ang Diyos sa kabila ng mga pagsubok na kinaharap natin sa nagdaang taon.
Ano nga ba ang sikreto upang maranasan ang masayang Pasko? Kung nais mong malaman ang sagot, kilalanin at tanggapin mo si Hesus sa iyong buhay. Siya ang dahilan kung bakit tayo may Pasko; ang Siyang tunay na biyaya sa panahong ito.
Posible pa kayang maranasan ang masayang buhay sa kabila ng madilim na nakaraan? Our God is a great redeemer! Kaya Niyang palitan ng maayos at magandang simula ano man ang iyong pinagdaraanan. May pag-asa sa Diyos, kapatid. Tutulungan ka Niyang magsimula muli.
Kung nais mo na maranasan ang totoong kasiyahan sa buhay, si Hesus ang sagot sa iyong pangangailangan. Hangad Niya na makita mo ang magandang planong inilaan Niya para sa ‘yo. Lumapit ka lamang sa Kaniya.
Puno ba ng hinanakit ang iyong puso dahil sa iyong nakaraan? Nais mo bang makalaya mula sa tanikala ng galit? Hayaan mong si Hesus ang maghari sa iyong buhay. Kaya Niyang alisin ang ano mang nagbibigay bigat sa iyong puso at palitan ito ng pagmamahal. Lumapit ka lamang sa Kaniya.
May pag-asa pa nga bang maranasan ang totoong kasiyahan sa gitna ng magulong sitwasyon? Nakikita ng Diyos ang pinagdaraanan mo. Hayaan mong ipakita Niya sa iyo kung paano mo ito malalampasan nang kasama Siya. Patuloy kang magtiwala at manampalataya sa kung ano ang kaya Niyang gawin sa buhay mo. Dahil sa Kaniya, mararanasan mo ang tunay na kasiyahan na hindi kailanman mananakaw ninuman.
Paano nga ba magiging merry ang iyong Christmas? Discover the answer as you watch this episode of The 700 Club Asia, Tuesday, December 5, 9 PM on our YouTube channel and midnight on GMA.
Alam mo ba na mayroong magandang kinabukasan na naghihintay sa ‘yo? Oo, kapatid. At madi-discover mo ito sa panahong magtiwala ka nang buo sa Panginoon. Kaya Niyang iparanas sa iyo ang maayos na buhay nang higit pa sa iyong naiisip. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Tapat si Hesus sa Kaniyang salita.
Matagal ka na bang nakakulong sa kasalanan at kahirapan? Naghahanap ka ba ng tutulong sa 'yo na makawala sa tanikala ng buhay? Si Hesus lamang ang iyong pag-asa. Kaya ka Niyang tulungan na makalaya sa ano mang bagay na bumibihag sa 'yo. Lumapit ka lamang sa Kaniya at ialay ang iyong buhay. Hindi ka iiwan ng Diyos.