The 700 Club Asia
Lumaki ka bang walang kinikilalang magulang? Naghahanap ka ba ng aruga mula sa isang ama at ina? Si Hesus ang kayang magparanas sa ‘yo ng pag-ibig na iyong hinahanap. Hindi mo man naranasan ang pag-aaruga ng isang magulang, handa naman itong punan ng ating Panginoon. At ano man ang iyong nakaraan, tanggap ka Niya at yayakapin ng Kaniyang wagas na pag-ibig.
Si Hesus ang iyong magsisilbing lakas at tanggulan sa tuwing dumaraan ka sa matinding pagsubok. Tumawag ka lamang sa Kaniya at maniwala dahil handa Siyang tumulong sa lahat ng oras. Iyan ang pangako Niya para sa ‘yo (Awit 28:7). Kaya huwag kang mawawalan ng pag-asa. Hindi ka iiwan at pababayan ng Diyos.
Ang tunay na kasiyahan ay hindi mo kailanman matatagpuan sa tao. Tanging si Hesus lamang ang sagot sa iyong pangangailangan. Kaya Niyang punan ang kakulangan sa iyong buhay at punuuin ito ng pagmamahal at kapayapaan na nagmumula sa Kaniya. Sa kaniya tunay na wala ka nang hahanapin pa sapagkat Siya ay sapat na.
Patuloy ka lamang mabibigo kung hahanapin mo sa ibang bagay o tao ang pag-ibig na iyong ninanais. Tanging si Hesus lamang ang makakapagparanas sa ‘yo ng pagmamahal na walang hanggan. Tanggapin mo lamang Siya sa iyong buhay, kapatid. Ang pag-ibig Niya ang iyong kailangan.
Bilang isang ina, naghahanap ka ba ng masasandalan sa gitna ng mga problema? Lumapit ka kay Hesus kung ikaw ay nakakaranas ng kapaguran sa buhay. Siya ang Diyos na nagbibigay kalakasan sa mga taong nanghihina. Gagabayan ka rin Niya upang maging isang mabuting ilaw ng tahanan.
Isa sa mga pinakamagandang regalo na puwede mong matanggap ay ang magkaroon ng relasyon sa Panginoon. Dala nito ang masayang buhay na hindi mo matatagpuan saan man. At ang unang hakbang upang makamit ito ay ang tanggapin si Hesus sa iyong buhay.
Malapit ka na bang sumuko dahil sa problema na kinakaharap mo ngayon? Nawawalan ka na ba ng pag-asa na maaayos pa ang iyong sitwasyon? Kumapit ka lang sa Panginoon. Siya ang iyong pag-asa at tapat na katuwang sa mga pagsubok na kinakaharap mo. Huwag kang mawalan ng pag-asa dahil walang imposible sa Diyos.