Movie

Kasama mo ang Diyos sa bawat laban ng buhay. Hindi ka Niya iiwan kailanman. Siya ang iyong saklolo sa lahat ng oras at handa Siyang iparanas sa 'yo ang magandang buhay na mayroon Siya para sa iyo, sa oras na lubusan kang manampalataya sa Kaniya.
Sa gitna ng pagod, takot, o kawalan ng kasiguraduhan, tandaan mong hindi ka nag-iisa. May Diyos na nagmamahal at kailanma’y hindi ka pababayaan. Kumapit ka lang sa Kaniya. Siya ang bahalang kumilos para sa'yo.
Do you feel hurt today because of other people? Are you struggling to release forgiveness and experience peace? Allow God to remove all the pain you're experiencing right now and let Him fill you with His peace. Just come to Him, for His help is always present.
Napupuno ka ba ng takot dahil sa pagsubok na iyong kinakaharap? Huwag kang mag-alala, kaya ni Lord 'yan! Hindi ka iiwan ng Panginoon, kapatid. Handa Siya palagi na tulungan ka.
Ikaw ba ay dumaranas ngayon ng matinding pighati? Tingin mo ba ay hindi ka na makakalaya mula sa lungkot na iyong nararanasan? Kapatid, imposible man sa iyong paningin na malampasan ang problema mo, nais naming ipaalala sa 'yo na kaya ni Lord 'yan. Nakikita Niya ang sitwasyon mo at alam din Niya kung paano ka matutulungan. Huwag kang mawalan ng pag-asa o mahiyang lumapit sa Kaniya.
Sa dami ng problemang kinaharap ni Loida, paano binago ng Diyos ang takbo ng kaniyang buhay at ginamit ang mga pinagdaanan niya upang maging pagpapala sa ibang tao?
Hindi pa man tuluyang nakaka-recover si Loida mula sa kaniyang unang operasyon, panibagong pagsubok na naman ang kaniyang kinaharap. Mayroon na namang pumutok na ugat sa kaniyang ulo na kinailangang ma-operahan agad. Lumalaki na rin ang kanilang gastos sa ospital kaya napilitan na ang kaniyang pamilya na magbenta ng kanilang mga ari-arian.
Matapos humarap sa matinding pagsubok, panibagong hamon ang kinailangang malampasan ni Cindy sa kaniyang buhay. Siya ay pinagsamantalahan at hindi nagkaroon ng pagkakataong maipagtanggol ang sarili sa nang-abuso sa kaniya. Gustuhin man ni Cindy na magsumbong ay mas pinili na lamang niyang manahimik, maiwasan lamang na mabigyan ng problema ang kaniyang mga magulang. Saan tatakbo si Cindy ngayong humaharap muli siya sa matinding problema? Kanino niya matatagpuan ang tulong na kaniyang kailangan?
Bagama’t humarap sa sunod-sunod na pagsubok si Mary Joy, nakita pa rin niya ito na may plano ang Diyos sa kaniyang buhay. Panoorin kung paanong kumilos si Hesus sa buhay ni Mary Joy sa kabila ng matinding pagsubok na kaniyang pinagdaanan.
Dahil sa pagpanaw ng dalawang kapatid ni Joy, ninais niyang mas maging malapit sa natitira niyang kapatid. Ngunit, hindi ito naging madali dahil sa pagkakalulong ng kaniyang kuya sa droga.
Sumubok si RC na magsumbong sa kaniyang ina tungkol sa pang-aabuso ng kaniyang stepfather. Subalit hindi siya pinaniwalaan nito. Labis ang naramdaman na lungkot at sakit ni RC kaya binaling na lang niya ang atensyon sa barkada at iba’t-ibang bisyo. Ito ang kaniyng ginawang daan upang makalaya sa sakit na pinagdaraanan. Saan mahahanap ni RC ang tulong patungo sa pagbabago?
Mula sa madilim na nakaraan ni Lorenzo, iniligtas siya ng Panginoon at ngayo’y ginagamit upang ibahagi ang kabutihan Niya.
Matapos bumagsak ni Lorenzo sa licensure exam, labis ang lungkot at pighati na kaniyang pinadaanan. Ilang beses din niyang sinisi ang Panginoon kung bakit niya nararanasan ang mga ganitong pagsubok. May magandang kinabukasan pa nga bang naghihintay sa kaniya matapos ang pagkabigo na kaniyang kinaharap?
Nagsumikap si Lorenzo na makabalik sa pag-aaral upang magkaroon ng maayos na buhay. Sa kabila ng madilim na nakaraan, nais pa rin niyang makapagsimula muli. Subalit, sa gitna ng pagbabagong ninanais, humarap naman siya sa matinding pagsubok. Ano nga ba ito?
Dala ng masamang dulot ng barkada, napariwara ang buhay ni Lorenzo at naging sakit sa ulo ng kaniyang mga magulang. Maaga rin siyang nalulong sa iba’t-ibang bisyo pati na rin ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Dahil sa epekto ng madilim na nakaraan, may pag-asa pa nga ba si Lorenzo na makapagsimula muli?
Tila nawawalan na ng pag-asa si Jouieanne kung malalampasan pa ba ang sakit na pinagdaraanan. Hindi niya maiwasang ilang beses na magtanong sa Diyos kung bakit niya kailangang harapin ang mga ito. Sa kabila ng takot at lungkot ni Jouieanne, paano pinakita ng Diyos ang Kaniyang himala?
Nakakilala si Jouieanne sa Panginoon sa pamamagitan ng kaniyang lola. Ito ang naging daan upang madali niyang napatawad ang mga taong umabuso sa kaniya. Ngunit, sa paglalim ng relasyon ni Jouieanne sa Panginoon, isang pagsubok naman ang kaniyang kinaharap. Ano nga ba ito?
Maagang pumanaw ang ina ni Jouieanne dahil sa sakit na breast cancer at bilang OFW, malayo din sa kanilang piling ang kaniyang ama. Kaya naman ang kaniyang lola na ang tumayo niyang magulang at naging gabay niya rin sa buhay ang iba pa nilang kamag-anak. Subalit, isang pangyayari ang nagbigay ng takot at galit kay Jouieanne dahilan upang lumayo ang kaniyang loob. Ano nga ba ito?

For every heart that’s still yearning for love, watch the lyrics to Jezliah Almasco’s “Hintay” come to life in this visualizer and be inspired - sometimes the waiting is the most beautiful part of the story. 💗

Bilang isang Pastor, hindi naging madali para kay Ponciano ang pagkakaroon ng source ng steady income. Humina ang kanilang negosyong tutorial services kaya naman laking pagsubok para sa kanilang mag-asawa ang gastusin sa araw-araw. Dahil sa bigat na pinagdaraanan, naisipan na ni Ponciano na tapusin ang kaniyang buhay. Paano nga ba siya iniligtas ng Panginoon mula rito?
Depression, Trauma, Abuse. Ilan lamang ito sa maraming pinagdaanan ni Daymeer sa loob ng apat na taon. Sumabay pa rito ang pagkawala ng kaniyang ama na itinuturing niyang kakampi. Pero, ano nga ba ang naging sikreto upang mapagtagumpayan ito ni Daymeer? Paano siya muling bumangon sa kabila ng napakadilim niyang nakaraan?
Laking pasasalamat ng mag-asawa sa Panginoon nang matamo ng kanilang anak ang kagalingan. Ngunit, si Joebert naman mismo ang sinubok ng kaaway nang makaranas siya ng pananakit ng lalamunan at may nakapang bukol. Kayanin pa nga kaya ni Joebert ang sunod-sunod na pagsubok sa kanilang buhay?
Whenever our faith wavers, God calls us back to this timeless truth: He is with us always. - Palagi. Go back to the truth of who God is – sovereign, unchanging, ever-faithful. And let Vee Jay Dela Calzada’s life song, "'Palagi,'' lead you to worship Him of this promise.
Muling nanumbalik ang sakit at takot sa mag-asawang Joebert at Vangie nang malamang kailangang sumailalim sa operasyon ang kanilang anak. Hindi nila maiwasang mangamba kung kakayanin ba ng isang sanggol ang ganitong pagsubok upang makamit ang kagalingan. At sa kabila ng matinding problema, saan nga ba sila humugot ng lakas at pag-asa?
Isa sa mga hiling ng mga bagong mag-asawa ang magkaroon ng anak. Ito rin ang dalangin ng mag-asawang Joebert at Vangie sa Panginoon. Hindi naman sila binigo ng Panginoon at nagkaroon ng supling. Subalit, matapos nito, humarap naman sila sa matinding pagsubok? Ano nga ba ito?
Sa kabila ng magulong pagsasama ni Sheila at kaniyang asawa, paano nga ba kumilos ang Diyos sa kanilang relasyon upang manumbalik ang kanilang pagmamahalan?
Habang tumatagal ay mas lumalala ang magulong pagsasama ni Sheila at kaniyang asawa. Naisipan na rin niyang tapusin ang kaniyang buhay para lamang malampasan ang kalbaryong kinakaharap. Subalit, parati rin itong napipigilan. Hanggang saan nga ba kayang kumapit ni Sheila upang maitaguyod ang pamilyang sinimulan? May pag-asa pa nga bang magbagong buhay ang kaniyang asawa?
Ngayong nakita na ni Sheila ang totoong ugali ng asawa, laking problema sa kaniya kung paano pa siya makakawala sa relasyong kaniyang pinasok. Mas lumala pa ito nang may aminin sa kaniya ang kaniyang asawa. Ano nga ba ito?
Hindi man naging maayos ang naging simula ni Loribel sa buhay, hindi naman hinayaan ng Panginoon na hindi maranasan ni Loribel ang magandang planong inilaan Niya. Ano nga ba ang ginawa ni Loribel upang makamit ang matagumpay na buhay?
Lasting growth and purpose can only come from one source—Jesus. Bahagi is a song about abiding in Him, staying connected to His presence, and surrendering to His will. The world may promise success and fulfillment in many ways, but apart from Christ, nothing truly lasts. When we choose to remain in Him, His life flows through us, making everything we do meaningful and fruitful. “I am the vine; you are the branches. If you remain in me and I in you, you will bear much fruit; apart from me you can do nothing.” (John 15:5)
Nagpatuloy si Loribel sa pagdalo sa gawain ng Panginoon. Dito ay kaniyang nakita ang pagkilos ng Diyos sa kaniyang buhay. Sunod-sunod din ang pagpapalang natatanggap ni Loribel kaya’t laking pasasalamat niya sa Diyos.
Dala ng kahirapan, hinikayat si Boy ng kaniyang asawa na bumalik sa masamang gawain. Subalit patuloy na tumatanggi si Boy dahil sa pangungusap ng Panginoon sa kaniya. Hanggang sa patuloy na sinubok si Boy at ang kaniyang pamilya sa kanilang pangangailangan sa pera. Muli nga bang matutuksong bumalik si Boy sa masamang gawain?
Ano ang naging sikreto ni Lynn upang malampasan lahat ng pagsubok na kaniyang kinaharap sa buhay? Sino ang kaniyang naging kakampi sa oras ng kagipitan?
Hindi mo ba nakontrol ang iyong gastusin kaya lumobo nang lumobo ang iyong utang? Remember that your spending today will affect your future. Discover 3 different causes of debt and how you can overcome it through God’s help. Watch this new #BeyondSmallTalk webisode featuring motivational speaker Jayson Lo.
Laking pasalamat ni Lynn sa Panginoon nang tulungan siyang malampasan ang kaniyang karamdaman. Subalit, hindi pa rin doon natatapos ang pagsubok sa kaniya ng kaaway. Panibagong problema ang kinaharap ni Lynn nang masangkot ang isa pa niyang anak sa aksidente. Ito na nga ba ang magpapasuko kay Lynn?
Inspired by the promise of God's covenant in Genesis 9:12-13, Jonathan Manalo’s newest song, "Bahaghari," is a joyful celebration of the rainbow, a symbol of God’s unwavering faithfulness to His people. Today, let the vibrant rhythm of this pop-funk track remind you that no matter what you face, God's promises remain true, and His love will never fail. His covenant is our anchor, bringing hope and assurance in every season. 🌈💛
With great joy and gratitude, we celebrate the coming of the One who brought everlasting peace, love, and hope to this world, with HESUS AMING HARI, the newest Christmas song from Reverb Worship. Featuring the voices of Reverb Worship’s newest artists, the song is a joyful declaration that Jesus is King, this Christmas and forevermore. Because of this, we have a reason to sing, celebrate, and worship no matter what the season holds for each of us and our families.

Ngayong katatapos lang i-celebrate ang Labor Day, paano nga ba tayo magkakaroon ng grateful heart upang maging pagpapala sa trabaho na mayroon tayo? Samahan sina Alex Tinsay at Jamey Santiago-Manual as they discuss some tips on how to be blessed at work. Don't miss it on this episode of #PUSHPilipinas.