Katulad ng ibang tao, gusto mo rin bang makaranas ng umaapaw na pagpapala? Alalahanin mo na hindi basehan ang pera o anumang kayamanan at achievements para masabing pinagpala ka. Ngunit kayang iparanas sa 'yo ng Panginoon ang totoong pagpapala na hindi mo inaasahan. Patuloy ka lang maniwala at magtiwala sa Kaniya. Walang imposible sa Diyos.
Sa mga panahong nawawalan ka na ng pag-asa, gusto naming ipaalala sa 'yo na may Diyos kang makakapitan. Patuloy kang magtiwala dahil handa Siyang tulungan ka sa iyong mga pinagdaraanan. You can give all your burdens to God.
Pakiramdam mo ba ay wala ka nang pag-asa na makaahon pa mula sa iyong hindi magandang karanasan sa buhay? Kapatid, hindi pa huli ang lahat. Kaya kang tulungan ng Panginoon upang makabangong muli. Lumapit ka lang sa Kaniya. Hayaan mo Siyang iahon ka at bigyan ng panibagong simula.
Minsan nagiging tanong natin kung naririnig nga ba ng Diyos ang ating panalangin, kung sasagutin ba Niya ito o kung kaya ba Niya itong ibigay. Kung kilala talaga natin ang Diyos, makakaasa tayong nakikinig Siya sa ating panalangin. Learn why we can be confident that God hears and answers prayers as you watch tonight's episode of "PUSH Pilipinas" with Alex Tinsay and Erick Totañes.
Isa ka ba sa mga namomroblema kung paano makakaahon sa araw-araw na pangangailangan? Lagi ka na lang bang kapos at lubog sa utang? Our God is a great provider. Alam Niya ang situwasyon at pangangailangan mo, kaya't ‘wag kang matakot magkulang. Manampalataya ka sa Kaniya at huwag kang mawalan ng pag-asa.

Showing all 5 results