May mga pangyayari sa ating buhay na kung minsan ay hindi umaayon sa mga kagustuhan natin. And whenever we experience that kind of struggle, we tend to question God's plan for us. But here's your reminder that everything that's happening in your life right now has its purpose. You might still don't know what it is, but keep trusting the Lord. Hindi ka Niya pababayaan.

Sunud-sunod na ba ang troubles at issues na dumarating sa buhay mo? Ang hirap to keep a healthy mindset kapag puro negativity ang nasa sa paligid mo. Don’t worry dahil tutulungan ka ni Anton Reyes, isang certified life coach and public speaker, and hosts Jamey Santiago-Manual and Ayie Tinsay, on how to develop a healthy mindset.

Do you define yourself by your mistakes and failures? Do you have a hard time overcoming your insecurities? Watch and be inspired in this episode of #KapitLang as The 700 Club Asia host, Joyce Burton-Titular, shares how God restored her confidence and she found her strength in Him. Hosted by Icko Gonzalez. One Great Problem. One Great Solution. One Great God

Sa dami ng ups and downs natin sa buhay, we can’t help but struggle to achieve the joyful life that we want. Kung minsan pa nga, we find it hard to identify if the happiness we feel is really genuine. But did you know na si Lord lang ang tanging susi sa pagkakaroon ng true happiness? We should learn to live in faith to experience His grace and joy sa buhay natin!

When we’re going through difficulties in life, whether job loss, financial troubles, or damaged health, how do we keep trusting the Lord? Learn from Raymund Concepcion’s as he shares his experience of God’s supernatural provision and healing in this episode of Love The Word, Live The Word with host, Icko Gonzalez.

Nanghihina ka na ba at nakakaramdam na ng urge to give up? Kapatid, we are here to tell you na you still have a chance na makabangon muli at patuloy na labanan ang challenges mo sa buhay. Watch be inspired by Gary Valenciano’s story about the power of prayer!

Sabi nila, the more you give, the more you will receive. But have you ever been genuinely happy sa pagbibigay nang bukal sa loob at walang hinihintay na kapalit? Sometimes, there will be people in our lives who will serve as an instrument of God para malampasan natin ang mga problema. And if ever na ikaw naman ang i-bless ni Lord, may you serve a purpose in other people's lives and be a blessing to them as well!

In life, there will be a lot of uncertainties na susubok sa isang samahan. Kaya if you've ever wondered why some people manage to handle their relationship well sa kabila ng challenges na hinaharap nila, you have to know na sa pagpapayaman ng relasyon sa mga mahal natin sa buhay, we must put God first and strengthen our personal relationship with Him. When we do this, we will receive His boundless joy as a blessing to share with one another.

We usually label ourselves as blessed kapag nakakaranas tayo ng magagandang bagay o pangyayari sa buhay natin. At minsan naman we tend to feel hopeless whenever we encounter life difficulties. But did you know that you can be joyful amid your life's trials and challenges? Yes, it's possible when you accept God in your life! Kaya't ano pang hinihintay mo? Start seeking God's presence in your life to experience His boundless joy! Watch these stories of hope and joy in spite of hardships that will inspire you to trust in God.

In life, marami talaga tayong pagdaraanan that will surely test our faith in God, na even a joyful life seems impossible to achieve dahil sa tindi ng mga problema. Pero alam mo bang ang true source of joy sa buhay natin ay si Lord? Kaya kahit ano pa mang hamon ng buhay ang dumating sa atin, lift it all up to Him because He is willing to help you. If you desire to live a joyful life, then you should start living by faith, too! Watch these stories of our kababayans na magpapatotoo na sa Diyos lamang natin matatagpuan ang true joy even during our darkest days.

Whenever we experience downfalls, kawalan ng tiwala sa sarili ang isa sa bumabagabag sa atin. But here's your reminder to always trust the Lord's ability to make everything possible. So, never lose hope! Kung nais mong magkaroon ng peaceful and joyful life, watch these inspiring stories na magpapatunay that God will always provide.

Noon pa lamang, isa nang mananampalataya si Jose. Nagtatrabaho siya bilang animator at napaliligiran din ng mga kaibigan na tagasunod ng Diyos. Sa pagiging tapat sa Panginoon, hindi inasahan ni Jose na mabibigyan siya ng isang malaking pagsubok na tiyak na magte-test ng faith niya. Nag-positive sa delta variant si Jose at ang asawa niya. Na-ospital sila habang ang mga anak naman ay nagpagaling ng mga sintomas sa isang quarantine facility. Nagawa niyang kuwestiyunin kung naririnig ba ng Diyos ang kaniyang mga panalangin. At sa loob ng ilang araw lamang, pinatunayan ng Panginoon na “Oo” ang Kaniyang sagot.
Nakapagtrabaho bilang isang nurse si Billy at nakatagpo rin ng kapwa nurse na makakasama niya habambuhay. Masaya silang naninirahan sa England kasama ang kaniyang buong pamilya. Ngunit nagkaroon ng Covid-19 outbreak noong 2020 na siyang nagbigay ng matinding pagsubok sa kanilang buhay. Nag-positive si Billy dahil sa several encounter sa pasyente nilang huli na nilang nadiskubre na positibo pala sa virus. Ngunit tila ba napasama ang self-isolation niya sa bahay dahil nahawa ang ilan sa kaniyang mga kaanak. Nang mailipat siya sa ospital, naranasan niyang magkaroon ng matinding anxiety na nagtulak sa kaniyang sukuan ang buhay dahil sa pinagdaraanan.
Lumaki sa kristiyanong pamilya si Rodz, ngunit sa kaniyang pagbibinata pakiramdam niya ay may pagkukulang pa rin sa pagmamahal na natatanggap niya. Pumasok siya sa isang relasyon at sa huli ay naging long distance relationship ito na nagdulot ng kalabuan sa kanilang pagsasama ng tatlong taon. Sa nararamdamang sakit dahil sa breakup, tinangka niyang tapusin ang kaniyang buhay. Pero tila ba sa mismong pagkakataon rin na ‘yon, kumilos ang Panginoon upang ipa-realize kay Rodz ang kagandahan ng buhay na hindi niya dapat sayangin.
Sa buhay, makaka-experience talaga tayo ng mga problemang tila ba imposibleng malutas o malampasan. But did you know na there's still more to life if you will only believe how powerful God is? Just keep praying and let God light up your way through your journey in finding genuine peace in times of hardships.
Bilang panganay, si Leah ang sumalo ng responsibilidad sa pag-aalaga sa nakababatang kapatid noong iniwan sila ng ina upang magtrabaho sa Italy. Kasama pa rin naman nila ang kanilang ama noon, ngunit sa pangungulila nito ay nalulong siya sa bisyo at napabayaan silang magkapatid. Nang magdalaga siya, nagpasya siyang magkaroon na ng sariling pamilya. Ngunit napunta naman siya sa isang abusive partner na iniwanan niya rin kalaunan dahil hindi na niya matiis ang pagtrato sa kanya nito. Nakakilala ng bagong pag-ibig ngunit hindi rin niloob ng Diyos na makasama niya ang taong ito habambuhay. Sa hirap ng mga pinagdaanan ni Leah mula pa pagkabata, Diyos pa rin ang naging sandigan niya. Kaya ang plano ng Panginoon para sa kaniya ay patuloy niyang pinanghawakan.
We are all trying our best to get through life struggles brought by this pandemic. Maraming pangarap ang naudlot, mga planong nasira, at mga pag-asang patuloy na nawawala. Ganon pa man, always believe that God is true to His promises. He will always lend a hand to help us survive the hard times, we just need to keep our faith stronger than ever. Hindi Niya tayo pababayaan!
Sa kalagitnaan ng pandemya, hindi maiiwasan na makaranas tayo ng mental health struggles given all the quarantine protocols and restrictions. Anxiety will be there but we should not let it take over us. Instead, let us strengthen our faith in God even more and remember that He would never let us fight our silent battles alone, especially in times of uncertainties.
Dalaga pa lamang si Evelyn ay nagtanim na siya ng sama ng loob sa kaniyang ama dahil sa pag-setup nito ng fixed marriage para sa kaniya. At bunga ng galit, hindi rin naging maayos ang relasyon niya sa napangasawa kahit na nagkaroon na sila ng tatlong anak. Sa kagustuhang makawala sa sitwasyon, sinamantala niya ang pagkakataong makapag-abroad patungo sa Singapore sa tulong ng isang recruiter. Hindi sapat para sa pamilya ang kinikita niya kaya nagpasya siyang kumapit sa patalim sa loob ng sampung taon. Ngunit isang gabi ay nagkaroon siya ng matinding realization at kasabay nito ang pagkakilala sa isang kaibigan na tapat na tagasunod ng Diyos.
Sa dami ng hamon ng buhay, sometimes we can no longer figure out things on our own. Ang iba sa atin, tanging pagsuko na lang ang natitirang solusyon upang matakasan ang mga problema. But we are here to remind you to keep praying and believing in God's ability to make everything possible for us. Laban lang, kapatid!

Showing 181–200 of 216 results