Anong tanikala sa buhay ang pilit kang hinihila pababa? Kahirapan? Bisyo? O ‘di kaya naman ay magulong relasyon? Mas malakas ang Diyos kaysa sa ano mang problema na kinakaharap mo ngayon. Kaya ka Niyang palayain at bigyan ng panibagong buhay. Just surrender your worries and anxieties to Him because with God, we are forever free -- free from sin and anything else that enslaves us.
Sa tuwing mayroon tayong pinagdaraanang pagsubok, nawawalan tayo ng pag-asa na makabangon at patuloy na lumaban sa mga hamon ng buhay. Pero tandaan mo na hindi pagsuko ang solusyon sa problema. Dapat ay lalo mo pang pagtibayin ang 'yong pananampalataya. Because in God, nothing is impossible! You just need to keep holding on to His promises. Laban lang!

Showing all 2 results