Forgiveness
Hindi pa huli ang lahat para magbago, kapatid. May pag-asa ka pa na makapagsimula muli kung naliligaw ka man ng landas. Lumapit ka lang sa Panginoon dahil kaya ka Niyang tulungan at may maganda Siyang plano para sa ‘yo.
Sa dami ng mga pangyayari sa ating paligid, madaling mawalan ng pag-asa. Ngunit tapat ang Diyos sa Kaniyang mga pangako. Kaya Niyang gumawa ng himala sa iyong buhay at makakaasa ka na hindi ka Niya pababayaan. Huwag kang bibitaw and believe that God has plan for your life.
Naghahanap ka ba ng tunay at walang hanggang pag-ibig? Maaari mong matagpuan ito sa Panginoon. At hindi ito katulad ng pag-ibig ng tao na may limitasyon at naghihintay ng kapalit. Kaya Niyang iparanas sa 'yo ang ganitong uri ng pagmamahal na hinahanap ng iyong puso at kukumpleto sa iyong buhay. Lumapit ka lang sa Kaniya.
Sa tuwing nakakaramdam ka ng panghihina dahil sa tindi ng iyong mga problema, kanino ka humuhugot ng lakas? Know that we have a powerful God whom you can lean on. Handa Siyang tumulong sa iyo upang malagpasan mo ang bawat pagsubok sa iyong buhay. Kapit lang! Huwag kang susuko, dahil kasama mo ang Diyos.
Gaano man kagulo ang pinagdaraanan mo ngayon, you can always go back to God. Tanggap ka Niya sa lahat ng iyong pagkakamali at kaya ka Niyang mahalin ano man ang iyong nakaraan. Lumapit ka lang sa Kaniya.
Nasaktan ka na ba o naloko? Hayaan mong tulungan at palayain ka ng Panginoon mula sa sakit at kalungkutan na nararamdaman mo. Huwag mong isipin na walang nagmamahal sa 'yo. You are loved by God, and you are precious in His eyes.
Biktima ka ba ng pang-aabuso na halos sumira na sa iyong buhay? Kung naghahanap ka ng tutulong sa ‘yo upang makapagsimula muli, may Diyos tayo na puwede mong lapitan. Siya lamang ang may kakayahang ayusin ang iyong nasirang buhay. Huwag kang mawalan ng pag-asa! God can restore your broken life.
Lagi na lang bang bigo ang mga plano mo sa buhay? Nawawalan ka na ba ng pag-asa na maaabot mo pa ang mga pangarap mo? Huwag kang susuko! May magandang plano ang Diyos para sa ‘yo. Hayaan mo Siyang kumilos. Ibigay mo ang iyong buong tiwala sa Kaniya. Tutulungan ka ng Diyos na maabot mo ang tagumpay.
Patuloy ka mang hinihila pababa ng mga pagsubok sa buhay, lagi mong tandaan na may Diyos na handang umalalay sa ‘yo. Kaya ka Niyang tulungan kahit na nasa gitna ka ng magulong sitwasyon. Maaasahan mo ang Panginoon!
Pilit bang sinusubok ng problema ang relasyon ninyong mag-asawa? Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Tutulungan kayo ng Diyos na maitaguyod ang inyong pamilya. Patuloy kayong magtiwala sa Kaniya dahil Siya ang susi sa matagumpay na pagsasama. Hindi Niya kayo pababayaan.
Minsan sa buhay, makakaranas ka ng mga pagsubok na para bang wala nang solusyon. Darating ka sa punto na mawawalan ka na ng pag-asang harapin ito, at hindi mo alam kung kanino ka hihingi ng tulong. Pero alam mo ba na may Diyos na handang sumalo sa ‘yo sa panahon ng iyong kabiguan? Ilapit mo lang ano mang bigat ang dinadala mo ngayon dahil tutulungan ka ng Diyos. Hindi ka Niya bibiguin.