Salamat sa Panginoon sa mga taong Kaniyang ginamit upang pagpalain ang iyong buhay. Salamat sa Panginoon sa magagandang bagay na Kaniyang ginawa para sa ‘yo. Tunay nga na mabuti at tapat ang Diyos sa lahat ng oras! Ikaw? May nais ka bang ipagpasalamat sa Diyos ngunit hindi mo alam kung paano magsisimula?

Gaano man kabigat ang iyong pinagdaraanan, hinding-hindi ka matitibag kung gagawin mong pundasyon ang Panginoon sa iyong buhay. Hayaan mo Siyang kumilos sa iyong sitwasyon.

Kung naghahanap ka ng tutulong sa ‘yo upang ayusin ang iyong buhay, lumapit ka lang sa Panginoon. God can change your life!
Are you struggling with depression and insecurity? Remember, you are stronger than you think! Let God show you your worth and allow His plans to rule in your life. You are not defined by your struggles; you are accepted and valued by God.
Anong tanikala sa buhay ang pilit kang hinihila pababa? Kahirapan? Bisyo? O ‘di kaya naman ay magulong relasyon? Mas malakas ang Diyos kaysa sa ano mang problema na kinakaharap mo ngayon. Kaya ka Niyang palayain at bigyan ng panibagong buhay. Just surrender your worries and anxieties to Him because with God, we are forever free -- free from sin and anything else that enslaves us.

Marumi na ba ang tingin mo sa iyong sarili dahil sa mga nagawa mong kasalanan? Para bang wala nang kuwenta ang iyong buhay dahil sa masalimuot mong nakaraan? Ganyan man ang tingin mo sa iyong sarili, alam mo ba na may Diyos na tanggap ka pa rin sa kabila ng iyong mga ginawa? Kaya ka Niyang iahon mula sa kasalanan na pilit kang hinihila pababa. And yes, God will still accept you despite your past.

Kahit gaano a kabigat ang problemang iyong pinagdaraanan, kumapit ka lang sa pangako ng Diyos. Huwag kang susuko sa buhay dahil may gantimpala ang sino mang nagtitiwala sa Panginoon. Mapagtatagumpayan mo ang pagsubok na ito sa tulong Niya.

Paano nga ba natin maaabot ang tagumpay kung puro problema ang ating nararanasan? Sigurado nga ba ang tagumpay kapag kasama natin ang Diyos?
Kakampi mo ang Panginoon sa laban ng buhay lalo na sa panahon na nanghihina ka dahil sa sunod-sunod na problema. Palalakasin ka Niya at tutulungan.

Naghahanap ka ba ng tutulong sa ‘yo upang makapagsimula kang muli? Know that God is willing to help you. Kaya mong makalaya mula sa kasalanan at ayusin ang ano mang nasira sa iyong buhay sa tulong Niya. Huwag kang bibitaw dahil kay Hesus ay laging may bagong simula!

Kaya kang palayain ng Diyos mula sa kahirapan. Mahirap man ang pinagdaraanan mo ngayon, pero makakaasa ka na hindi ka pababayaan ng Diyos. Kaya Niyang baguhin ang takbo ng iyong buhay. Receive your freedom today!

Hindi mo kailangang sarilinin ang matitinding pagsubok na iyong pinagdaraanan. Sasamahan ka ng Panginoon na harapin ang iyong mga problema. Magtiwala ka sa Kaniya dahil hindi ka Niya bibiguin kailanman.

Hindi mo kailangang magpakahirap na i-please o kunin ang loob ng mga taong nakapaligid sa ‘yo para lang magustuhan ka nila. May Diyos na nais kang mahalin kahit sino ka man o ano man ang iyong nakaraan. Handa Siyang iparanas sa ‘yo ang Kaniyang wagas na pag-ibig. Nais mo ba Siyang makilala? Panoorin ngayong gabi ang The 700 Club Asia, Wednesday, June 7, 9 PM on our YouTube channel and midnight on GMA, for stories that will help you experience God’s great love.

Patuloy ka mang hinihila pababa ng mga pagsubok sa buhay, lagi mong tandaan na may Diyos na handang umalalay sa ‘yo. Kaya ka Niyang tulungan kahit na nasa gitna ka ng magulong sitwasyon. Maaasahan mo ang Panginoon!

Pilit bang sinusubok ng problema ang relasyon ninyong mag-asawa? Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Tutulungan kayo ng Diyos na maitaguyod ang inyong pamilya. Patuloy kayong magtiwala sa Kaniya dahil Siya ang susi sa matagumpay na pagsasama. Hindi Niya kayo pababayaan.

Hindi ka na ba makausad dahil sa dami ng iyong problema? Gusto mo na bang sumuko dahil nawawalan ka na ng pag-asa? Tuloy lang! Kasama mo ang Diyos. He is on your side. Hindi ka Niya iiwan sa gitna ng pagsubok; Siya ang iyong sandigan at tulong sa oras ng pangangailangan.
Lahat tayo ay dumaraan sa matitinding pagsubok. Minsan, nakakawala ito ng pag-asa hanggang sa punto na nais mo na lang sumuko at bumitaw. Pero alam mo ba na puwede mong isuko sa Panginoon kung ano man ang iyong dinadala? Puwede mo Siyang pagkatiwalaan. Tutulungan ka Niya na mapagtagumpayan ang iyong mga problema.

Our God is a great provider! Nakakaranas ka ba ngayon ng kagipitan? Makakaasa kang kayang baguhin ng Diyos ang sitwasyon mo. Hindi ka Niya pababayaan at kaya Niyang ibuhos sa iyong buhay ang pagpapala. Magtiwala ka lang sa Kaniya.

Our God is a great provider. Dumaan ka man sa financial challenges, hinding-hindi ka Niya pababayaan. Higit pa sa mga ibon sa himpapawid ang pagmamahal sa iyo ng Panginoon. Hindi ka Niya hahayaang magkulang.

Huwag kang matakot sa mga problemang dumarating sa iyong buhay. Sa katunayan, normal lang ang mga pagsubok na 'yan at dapat asahan. Pero tandaan mo na hindi ka kailanman pababayaan ng Diyos. Sasamahan ka Niya at tutuparin Niya ang lahat ng Kaniyang plano sa iyong buhay. Bumangon ka at 'wag kang mawalan ng pag-asa. Rejoice, because God is faithful to His promises!