Sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos. (Luke 1:37) Isa lamang ito sa maraming pangako ng Diyos para sa Kaniyang mga anak. Kaya kung sa tingin mo ay wala ng daan patungo sa tagumpay, patuloy ka lamang manampalataya kay Hesus dahil hindi ka Niya bibiguin kailanman. Sa Kaniya, walang imposible.
Gaano man kabigat ang pagsubok na iyong kinakaharap, may solusyon ang Diyos upang tulungan ka na makabangon muli. Huwag kang susuko, kapatid. Hindi ka pababayaan ng Diyos kailanman. Maaasahan Siya sa lahat ng oras.
May bagay ka ba na kinatatakutan ngayon? Wala ka bang kapayapaan dahil sa pagsubok na iyong kinakaharap? Huwag kang matakot, kapatid dahil hindi ka iiwan ng Diyos. Sasamahan ka Niya sa bawat laban ng buhay at ibibigay sa 'yo ang katagumpayan laban sa mga pagsubok. Manampalataya ka lang sa Kaniya.
Nakakaranas ka ba ng kakapusan sa pera? Lagi ka bang nag-aalala kung paano makakaraos sa araw-araw? Know that we have a God who can provide all your needs. He can help you overcome poverty and experience victory over it.
Si Hesus ang iyong saklolo sa gitna ng mga pagsubok na iyong kinakaharap. Lagi ka lamang tumawag sa Kaniya dahil handa Siyang tulungan ka sa bawat oras. Hindi ka bibiguin ng Panginoon sapagkat Siya ang ating matibay na sandigan.
Huwag kang mawalan ng pag-asa sa tuwing humaharap ka sa matinding pagsubok. Nakikita ng Panginoon ang iyong sitwasyon at may sagot Siya sa bawat problema na iyong pinagdaraanan.

Dumaraan ka man ngayon sa matinding pagsubok, lagi mong tandaan na malampasan mo ang bawat problema dahil kasama mo ang Diyos. Hindi ka Niya iiwan at pababayaan. Kumapit ka lamang sa Kaniya dahil kaya Niyang iparanas sa ‘yo ang tunay na kagalakan kahit pa sa gitna ng mga pagsubok.

Are you praying for promotion in your life? Whether it’s in finances, relationships, or even status, growth is possible through the help of God. Allow Him to lead and guide you in your everyday life. God wants you to experience His goodness in your life.

Pilit ka mang itinutumba ng mga pagsubok, Kay Hesus, palagi kang may makakapitan. Gawin mo Siyang sandigan sapagkat Siya ang susi sa matatag na buhay.
Pakiramdam mo ba na tila hindi ka na makausad sa buhay dala ng iyong nakaraan na pilit ibinabalik ng kaaway? May paraan pa upang makalaya ka, kapatid! Ang sagot ay si Hesus. Kaya ka Niyang palayain mula sa mga bagay na patuloy na bumibihag sa iyo. Handa ka na bang kilalanin Siya at hayaang ipakita sa iyo ang kalayaang nais Niyang makamit mo?

Lumaki ka bang walang kinikilalang magulang? Naghahanap ka ba ng aruga mula sa isang ama at ina? Si Hesus ang kayang magparanas sa ‘yo ng pag-ibig na iyong hinahanap. Hindi mo man naranasan ang pag-aaruga ng isang magulang, handa naman itong punan ng ating Panginoon. At ano man ang iyong nakaraan, tanggap ka Niya at yayakapin ng Kaniyang wagas na pag-ibig.

Mayroon bang poot sa iyong puso dahil sa iyong naging karanasan? Hindi pagganti ang solusyon upang makalaya sa galit, kapatid. Hayaan mong si Hesus ang magtanggol sa ‘yo. Nakikita Niya ang iyong sitwasyon. At sa pagtiwala mo ng iyong buhay sa Kaniya, hayaan mong alisin Niya ang galit sa iyong puso at hilingin mong palitan Niya ito ng pagmamahal na nagmumula sa Kaniya. Hindi Niya nais na makulong ka sa iyong poot sapagkat mahal ka ng Panginoon.

Ang tunay na kasiyahan ay hindi mo kailanman matatagpuan sa tao. Tanging si Hesus lamang ang sagot sa iyong pangangailangan. Kaya Niyang punan ang kakulangan sa iyong buhay at punuuin ito ng pagmamahal at kapayapaan na nagmumula sa Kaniya. Sa kaniya tunay na wala ka nang hahanapin pa sapagkat Siya ay sapat na.

Huling hirit ngayong buwan ng pag-ibig! 🫶🏻 Sa dinami-rami ng bare minimum at standards today, ano sa tingin mo ang essential qualities ng isang healthy relationship? 🤔 Alamin ang sagot ng mga tao sa tanong na 'to. Watch this!
Hindi pa huli ang lahat para maranasan mo ang pagpapala na nilaan sa 'yo ng Diyos. Lumapit ka lamang sa Kaniya at hayaan Siya na maghari sa iyong buhay. Kahit gaano pa man naging magulo ang iyong buhay, si Hesus ay laging handang bigyan ka ng panibagong simula. Huwag kang mawalan ng pag-asa.
Hanap mo ba ay totoong pag-ibig na kayang punan ang pagkukulang na nararanasan mo sa iyong buhay? May magandang balita kami para sa ‘yo. Nariyan si Hesus upang iparanas sa ‘yo ang Kaniyang wagas na pag-ibig. Ano man ang iyong nakaraan, maaari mong maramdaman ang pag-ibig na inalay Niya para sa ‘yo.

Posible ba na manaig pa rin ang pag-ibig kahit na nahaharap ka sa matinding pagsubok? Kung nahihirapan ka na ipakita ang pagmamahal sa iba sa gitna ng problema, si Hesus ang sagot sa iyong pangangailangan. Kaya Niyang punuuin ng pagmamahal ang iyong puso at gawing masaya ang iyong buhay. Hayaan mo lamang na Siya na maghari sa ‘yo.

Naghahanap ka ba ng gagabay sa ‘yo patungo sa maayos na landas? Kapatid, si Hesus ang iyong kailangan. Sa pag-alay mo ng iyong buhay kay Hesus, makakaasa ka sa magandang kinabukasan para sa iyo dahil Siya ang ating Mabuting Patnubay.
Tingin mo ba ay wala nang saysay ang buhay mo ngayon? Para bang nawawalan ka na ng pag-asa kung malalampasan mo pa ang bawat problema? Kapatid, kayang gawan ng Diyos ng paraan anuman ang iyong pinagdaraanan. Mayroon Siyang magandang layunin at plano para sa iyo. Magtiwala ka lamang kay Hesus at huwag mawalan ng pag-asa. Hindi ka Niya pababayaan.

Showing 1–20 of 23 results